How to Play Tongits Online Game?

Sa panahon ngayon, isa sa mga online at app games ang kaaliw aliw na gawain ng mga Pinoy. Ano nga ba ang Tongits Online Game? Bakit karamihan sa mga pinoy, tongits ang gustong laruin? Saan ba nilalaro ito at ano ano ang kailangang alamin? 

Ano ang larong “Tongits”?

Isa sa sikat na card game sa Pilipinas at sa iba’t ibang lugar sa Asya. Ito ay binubuo ng tatlong manlalaro, minsan ay apat. Ito ay isa sa mga sikat na uri ng Rummy na dito sa Pilipinas. Ito ay unang pinasikat sa Pangasinan noong kalagitnaan ng 1980’s na tinagurian at pinangalanan nilang “Tung-it”. Karamihan sa mga tuntunin ng laro at ang pangalan nito ay maaaring iugnay sa laro ng Tonk, American card, at inihahambing din sa larong Mahjong at Poker.

Dahil nga sumikat ng sumikat ang tongits, ang mga iba’t ibang game apps developer ay gumawa ng iba’t ibang bersyon ng laro. Halika’t samahan mo akong talakayin natin ang mga ito. Alamin din natin kung paano laruin ang tongits at ano ano ang mga dapat malaman. 

Mga Panuntunan at Tip sa paglalaro ng Tongits

Ilang baraha ba ang kailangan ng mga manlalaro upang makapag umpisa ng laro? Tulad din ng ilan pang mga variation ng Rummy, 52 na pirasong baraha ang kinakailangan sa Tongits Online Game. Ipamimigay ng dealer ang baraha o kung sino mang nanalo sa unang laban. Bibigyan ka ng labing dalawang baraha at labing tatlo naman sa dealer.

Sa umpisa, aayusin mo ang iyong mga baraha, pagsama samahin ang magkakaparehas o ang tinatawag nilang Trio at magkakasunod o alin mang buong baraha na meron ka. Sa bawat ikot ng laro, unti unting mauubos ang baraha mo, kung sino ang unang maubos, sya ang panalo o kaya naman, kung sino ang may pinaka mababang baraha sa dulo, sya ay mananalo. Ang mga buong baraha ay pwedeng tawaging “bahay”. 

Narito ang lahat ng barahang makikita mo sa isang deck:Alas 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Jack Queen King. Ang katumbas ng Alas o Ace ay nagkakahalaga ng 1 puntos. Ang mga Jacks, Queens at Kings ay nagkakahalaga ng 10 puntos bawat isa, at lahat ng iba pang card ay binibilang ang kanilang halaga sa kanilang bilang, halimbawa ang barahang 5 ay katumbas ng 5 na bilang. 

Kung ikaw ay mayroong buong baraha o mayroon kang grupo ng mga card na pare-parehas o trio, maaari mong ilagay o ibaba ang mga ito sa mesa at ito ay magiging Bahay mo.

Kung mayroon kang mga card na tumutugma sa mga barahang ibinaba na ng mga kalaro mo sa mesa at iba pang pormasyon ng iba pang mga manlalaro, maaari mong isapaw ang mga ito upang kumpletuhin na. Ang unang manlalaro na maubos ang lahat ng card ay mananalo.

Yan ang mga dapat mong tandaan. At karamihan sa laro ngayon ay matatagpuan mo na sa internet world, mapa-offline games, online games at mga app games na talagang kapanapanabik.

Paano Maglaro ng Tongits?

Sa umpisa ng bawat laro, ang bawat manlalaro ay magbabawas ng dalawang beses sa table bet sa “HIT POT

Sumunod, ipamimigay ang baraha at may 13 pirasong baraha para sa dealer. Sya ang unang titira o tatapon.

 

 

  • Ang bawat isang manlalaro ay bibigyan ng 12 na pirasong baraha, ang dealer lamang ay bibigyan ng 13 baraha at unang makalaro (ang may 13 baraha ay maaari lamang itapon sa unang pagliko)

  • Mag uumpisa ang lahat sa may-ari ng talahanayan ay ang isa na mabibigyan ng 13 baraha at unang makalaro o tumapon.

  • Game 2 onwards: ang mananalo sa nakaraang laro ang unang makakapaglaro o sya ang tinatawag na dealer.

  • Kung ang nanalo ay umalis sa mesa, ang taong nakaupo sa likod ng nagwagi na iyon (counterclockwise) ay bibigyan ng 13 baraha at unang maglalaro.

  • Sa bawat turn, ang manlalaro ay may 20 segundo upang magdesisyon.

 Para sa unang manlalaro: Sa unang round, mayroon kang 13 na baraha, kaya hindi ka na makakalabas ng higit pang mga baraha, ngunit kailangan mong pumili ng 1 sa 13 baraha upang itapon sa mesa upang mag simula.

  • Iikot na ang laro at oras na ng kanya kanyang turn. Sa pagkakataong ito, ang manlalaro ay may 30 segundo para ayusin ang mga card at gumawa ng desisyon.

 Sa pag ikot, ang susunod na manlalaro ay magkakaroon ng mga pagpipilian ayon sa priyoridad gaya ng sumusunod:

  • Pagkakasunud-sunod ng Priyoridad: 

FIGHT -> Gumuhit / Kumain ng mga card -> Isumite ang mga card, Lower Phom -> Maglaro ng mga card

  • Oras ng pagliko: 20 segundo

  • Una ang “FIGHT”  o Laban (Ito ay kung karapat-dapat para sa FIGHT)

  • Kunin ang mga baraha o ang tinatawag na “Eat card” mula sa taong nasa harap (Kung may kwalipikasyon na kumuha ng mga card)

  •  Isumite ang Post

  •  Pagsusugal o Gambling

 

Kapag nagpadala ang isang user ng FIGHT o naubusan ng baraha ang manlalaro: ang natitirang mga manlalaro ay may 20 segundo upang ayusin ang mga baraha. Kung sakaling tanggapin ang FIGHT, magkakaroon ng oras upang ayusin ang mga card, kung hindi, ito ay nakaharap (FOLD)”

Narito naman ang Talaan ng Resulta

  • Laging nagpapakita ng minus o bawas ang Hit pot money para sa tatlong manlalaro, TH makakakain ang isang user ng pot, ang user lang na iyon ang nagpapakita

  • Dalawang magkalaban: parehong tao ay may Secret set, ay magpapakita ng +0 sa parehong mga manlalaro o user

  • Kung ang gumagamit mag “Tongits”, ang mga resulta ay nagpapakita din ng TONGITS (ito ay nasa ilalim ng ava).

  • Kung ang manlalaro ay nag Fight, matalo ka man o manalo, magpapakita ito ng FIGHT sa .app. 

  • Kung tinanggap ng kalaban ang Fight ng ibang tao, nagpapakita ng CHALLENGE ang mga resulta nito. 

  • Kung hindi tinanggap ng user ang Fight, makikita naman dito ay FOLD.

  • Kung ang gumagamit ay nag-burn o nasunog ng mga card, ang makikita mo ay ang BURNED.

  • Sa dulo, ihahambing ang iskor sa pagtatapos ng laro: ang manlalaro na nanalo ay nagpapakita ng WIN, ang iba ay nagpapakita ng TALO. 

Bibigyan ka ba ng Tongits ng Real Money?

Dahil nga sa online at app games na ito karaniwang ginagawa, ang mga bagong bersyon ng Tongits app ay maaari kang manalo ng mga chips na pwede mong i-convert sa totoong pera. Oo! Tama ka ng nabasa.

May iilan ilang apps na maari kang manalo ng totoong pera at karamihan ay nakukuha ito sa pamamagitan ng GCash. Talagang kapanapanabik na tagpo ang mga ganito dahil maaari kang kumita habang nagsasaya at naglilibang ka.

Paano manalo ng totoong pera sa Tongits app o online games?

Paano nga  ba manalo ng totoong pera sa mga Tongits App? Karaniwan, makakakuha ka ng libo libong chips sa pag bubukas ng app at pag lalaro araw araw, panonood ng mga ads o patalastas, at pag she-share ng mga tampok sa social media accounts mo. Yan ay ilan lamang sa mga kailangan mong gawin upang makakuha ng chips o anumang premyo. 

Paano makukuha at i-download ang application?

Ano ang mga paraan upang makakuha at maglaro ng Tongits online o sa app? Maaaring ma-download ang Tongits sa mga mobile phone. May ibabahagi ako sa iyo. Alam mo bang nasubukan ko na ang tongits app? Ito ay kapana-panabik at napakasaya dahil isang beses mo lang itong i-download, ngunit ang laro ay sikat! Nakakaaliw talaga.

Hayaan mo akong ibahagi ito sa iyo. Napaka simple lamang nito. Sabi nga nila, isang click lamang, magiging masaya ka na. Dahil nga sa panahon ng pandemic, nauso ang pag lalaro o pag lilibang online, subukan at i download ang pinakabagong aplikasyon ngayon. Ito ay ang SMcasino-Tongits , Lucky 9, Pusoy Card. Napaka ganda ng Tongits dito. Kapana panabik sapagkat maari mong makalaro ang iyong mga kapamilya o kaibigan sa larong ito. Ito ang pinakabagong kinahuhumalingan ng karamihan sa ngayon.

Karamihan ay mga card games na usong uso dito sa atin at sa ibang bansa. Hinding hindi ka magsisisi sa pag dodownload nito.

Sa ngayon, unti unti ng nakikilala ang app na ito. Hindi mo na kinakailangang pumunta sa casino. Pwedeng pwede kang maglibang kahit ikaw ay nasa bahay lamang. Nakakatuwa ito dahil isang download lang, isang katutak ang laro. Sulit na sulit ang free app na ito.

Tama ka ng iyong nabasa, libre ang app na ito! Walang kailangan ilabas na pera, at ang kagandahan, may chance kang manalo ng points o cash patungo sa iyong Gcash.

Ano anong mga laro nga ba ang makikita sa libreng aplikasyon na ito? 

PG Slot Nakakagulat ba? Tamang reaksyon lamang yan! Libre, subalit napakaraming nakakaaliw na laro. 

⭐Read More

error: Content is protected !!